Biyernes, Disyembre 12, 2008

Isteyjes sa Pagkatuto ng Wika

Bago tayo matutong magsalita, iba't ibang isteyjes muna ang ating pagdadaanan upang maging epektibo sa pagsasalita at ito ay nagsisimula mula nang tayo ay maisilang sa daigdig.
Ang una sa sampung isteyjes na ito ay ang pag-iyak. Sa paglabas pa lamang natin sa sinapupunan ng ating ina, nakalilikha na tayo ng tunog na UHA (Ugat, Haligi, Ayan). Pangalawa ay ang kuwing na patinig lamang ang nasasambit, pangatlo ay babling kung saan magkahalong patinig at katinig ang inuusal. Pang-apat ay intonasyon o ang tamang pagtaas o pagbaba ng tono sa pagsasalita. Panglima ay isang salita (holophrastic stage) at pang-anim ay dalawang salita o two-word utterances. Ang pampitong isteyj ay pagbuo ng salita (word inflections), pangwalo ay pagtatanong at pang-siyam ay pagkatutong makabuo ng kompleks na pangungusap (complex constructions). Ang pangsampu at panghuli ay ang matyur na pananalita (speech) kung saan nagagawa na nating makipag-usap sa iba.
Ang bawat isteyj na ito ay mahalaga upang tayo ay maging epektibo sa ating pagsasalita.

Walang komento: