Lunes, Disyembre 22, 2008

Filipino o Pilipino?

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upng magkaunawaan ang mga tao. Ito ang nagsisilbing tulay sa mga tao upang maipahayag ang kanilang mga saloobin sa bawat isa. Bilang mga Pilipino, tulad din ng ibang bansa, tayo ay may sariling wika. Ito ang Filipino.
Hindi tayo dapat malito sa pagkakaiba ng dalawa. Kung sa Ingles, ang ating wika ay "Filipino," ang tao o ating pagkamamamayan naman ay "Filipino" at ang ating bansa ay "Philippines." Kung sa ating wikang pambansa naman na Filipino, ang ating wika ay "Filipino," ang tao o pagkamamamayan ay "Pilipino" at ang ating bansa ay "Pilipinas."
Mahalaga na malaman natin ang pagkakaiba ng dalawang ito lalo't tayo ay mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, maipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa Filipino na ating wika at sa ating pagkamamamayang Pilipino.

Walang komento: