Sa pag-usad ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya, maraming mga bagay ang naluluma at nauuso. Isang halimbawa nito ang journal at ang blog. Kung noon ay sa diary o journal lang natin naisusulat ang ating mga karanasan, opinyon at emosyon, ngayon ay maaari na natin itong ibahagi sa maraming tao sa pamamagitan ng internet blogging. Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit mas maraming tao lalo na mga kabataan ang tumatangkilik sa blog kaysa sa journal na ating kinasanayan?
Ang journal ay isang notebuk na naglalaman ng rekord ng lahat ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, gayundin ang kanyang mga kuro-kuro, hinanaing at karanasan. Sa kabilang dako sa blog naman ay mabilis kang makakapag-post ng mga saloobin, makisalamuha sa mga tao at higit pa ng libre. Ang journal ay manwal na maituturing dahil gagamit ka ng bolpen o lapis upang ikaw ay makapagsulat samantalang ang blog ay napakadali sapagkat basta't may kompyuter ka, makagagawa ka agad ng isang artikulo at maaari mo pa itong i-edit at lagyan ng magandang settings dahil sa dami ng pagpipilian. Kung ang journal naman ay pansarili lamang, hindi ang blog. Kapag nai-post mo na ito, kahit sino ay maaari itong mabasa. Ngunit tulad ng lahat na bagay, ang blog ay mayroon ding mga limitasyon. Una, dapat ay mayroon kang kompyuter na may koneksyon ng internet hindi tulad sa journal na papel at panulat lamang ang kailangan. Pangalawa, ang blog ay medyo magastos lalo na kung wala kang sariling kompyuter kumpara sa journal na gaano man kahaba ang iyong maisulat ay wala kang gagastusin kahit magkano.
Ito ay ilan lamang sa pagkakaiba ng journal sa blog, ngunit ang bawat tao ay may kanya-kanyang interes kaya nasa atin pa rin ang pagpapasya kung alin ang nais nating gamitin, ang journal ba? o ang blog?
2 komento:
why online blogging o journal?
because it's one way of expressing your innermost thoughts without the fear of being criticized. sometimes it feels good to take it all out to someone you don't know than people who know you - they tend to be judgemental..
Mag-post ng isang Komento